Ano-Ano Ang Epekto Ng Pag-Agaw Sa Teritoryo Ng Bansa?
Ano-ano ang epekto ng pag-agaw sa teritoryo ng bansa?
Ang teritoryo ay isang elemento ng bansa na tumutukoy sa lupa nitong sinasakupan. Sa mga likas na yaman ng bansa kumukuha ng pangangailangan ang bawat mamamayan.
Epekto ng pag-agaw sa teritoryo ng bansa
- Mababawasan ng pinagkukunan ng pangangailangan ang bansa.
- Maapektuhan ang mga mamamayan kagaya ng ngangyaring pag-agaw ng China sa Spratly Island. Nabawasan ang pangisdaan ng mga Pilipinong mangingisda.
- Maituturing na mahina ang pamamahala ng isang bansa sapagkat hindi napangalagaan ng mabuti ang teritoryong pag-aari ng bansa.
Comments
Post a Comment