Ano Ang Ibig Sabihin Ng Katutubong Wika?
Ano ang ibig sabihin ng katutubong wika?
Ang katutubong wika ay ang wika na natutunan ng isang tao mula pa nang siya ay ipinanganak. Ang mga katutubong wika ay karaniwang mga matatandang wika na parte na ng kultura, tradisyon at kasaysayan ng isang lugar o bansa. Ang katutubong wika ay karaniwang tinatawag din na inang wika o unang wika ng isang tao o bansa.
Ibig Sabihin ng Katutubong Wika
- Ang katutubong wika ay ang wika na nakagawian at natutunan ng isang tao mula pa nang siya ay ipinanganak.
- Ang isang katutubong wika ay matagal nang ginagamit kaya ito ay parte na ng kultura, tradisyon at kasaysayan ng isang lugar o bansa.
- Ang ibang tawag sa katutubong wika ay inang wika o unang wika.
Halimbawa ng mga Katututbong Wika sa Pilipinas
Maraming mga katutubong wika sa Pilipinas. Narito ang sampung halimbawa ng mga katutubong wika sa Pilipinas na madalas gamitin ng mga Pilipino:
- Tagalog
- Ilokano
- Cebuano
- Hiligaynon
- Waray
- Kapampangan
- Bikol
- Pangasinan
- Meranao
- Maguindanao
Iyan ang ibig sabihin ng katutubong wika. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:
- Kahalagahan ng katutubong wika: brainly.ph/question/1021534
- Bakit mahalagang multilingguwal ang Pilipinas? brainly.ph/question/1590868
- Kahulugan ng diyalekto: brainly.ph/question/85707
Comments
Post a Comment